Monday, December 14, 2009

"WoWOwee"

Hindi ko maunawaan
Ang mga iringan
Magkabilang hanggan
Ay nag-uungusan.

Wowowee sa katanghalian
Eat Bulaga ang kalaban
Laging parinigan
Walang katapusan.

Halakhak ng Kapuso
Laban sa pakulo
Walang sinasanto
Pati mga tao.

Sana’y matapos
Ang mga kaluskos
Para maayos
Ang daloy at agos.

Inaalay ko lagi
Ang aking sarili
Tulang tagalog
Na tungkol sa Wowowee.

No comments:

Post a Comment